Filipino

Question

lipunan noon at ngayon

1 Answer

  • Answer:

    Noon, ang lipunan ay maituturing na simple lamang, may sapat na kabuhayaang nailalaan sa bawat isa, maayos ang komunikasyon bagamat may kahirapan sa mga taong pinanglalayo ng tadhana. Simpleng problema, madaling nasosolusyonan sa simpleng pag-iisip lamang. Ang mga tao may magandang samahan, pagmamalasakitan, pagmamahalan at naroon ang respeto at paggalang sa lahat maging sa hayop at halaman.

    Ngunit ano na ang ngayon?

    Ngayon, ang ating lipunan ay batbat na ng iba’t-ibang pangyayari sa nagpapasakit ng ulo ng bawat isa. Nariyan ang sari-saring polusyon, pagbabago sa klima gawa ng mga maling aksyon ng mga maling tao. Nariyan din ang mga trahedya, krimen dahil sa di kakuntentuhan ng mg tao. Simpleng problema sa pera, nandyan na ang pagnanakaw at pagpatay. Iyan na nga ba ang ating lipunan? Narito pa ngayon ang malaking umeeksena sa mundo ng bawat isa, “ang medya”. Napakalaking bagay nainiikutan ng lipunan. Ito na yata ang may hawak sa lipunan at hindi na ang lipunan ang may hawak dito. Ang karamihan sa tao ay kumpleto na sa mga gadgets na pangmedya na umeekpekto sa pag-iisip, maging sa buhay ng bawat isa. Nasaan ns ngayon ang makaDiyos na lipunan noon?  Wala na ngayon o mayroon pa ngunit kaunti na lamang. Ang lipunan natin ngayin ay masasabing binago na ng mahabang panahon. Ang dating kapaligiran na puno ng mag puno at halaman na nagpapaganda at nagpapalamig ay wala na. Napalitan na ito ng mga malalaking gusali tulad ng mga malls, resorts at iba pa. Oo nga’t masaganang buhay ang ninanais ng mga tao sa lipunang ito ngunit sa bawat tibok ng ating buhay ang nakaraan at isang malaking bahagi nito na hindi dapat natin nakakalimutan. Sapagkat ang nakaraan, sa aminin man natin at sa hindi ay ang malaking pundasyon ng tinatamasa natin ngayon.

    Explanation:

    medyo mahaba kaya i summary niyo nalang

You May Be Interested